Logo
Hymn #398Work and Duty

Ngayo'y Iniisip ang Magandang Lugar

VERSE 1

Ngayo'y iniisip ang magandang lugar Na sasapitin ko ngang tunay; Ang putong ko kaya'y may bituing taglay Kung ako roon ay dumatal?

KORO

Magkabituin kaya sa aking putong Paglubog ng araw sa hapon? Sa lugar ng pahingahan kung bumangon Magkabituin kaya roon?

VERSE 2

Sa lakas N'ya ako'y bayaang gumawa Tumawag, magpuyat, humanda, Nang magkabituin ako nang sagana Sa araw na yaong dakila.

VERSE 3

Kung ipanagumpay ko ang kaluluwa Tuwa ko'y walang makapara, Ang putong na tala sa araw ng saya Ay igagawad ng Diyos Ama.