Ang Panginoon sa Siyon
VERSE 1
Ang Panginoon sa Siyon Ay naghahari na; Buong lupa ay magsaya't Lumapit sa Kanya; At do'y aalingawngaw Kapurihan Niya, Sa Kanya ang mga hari L'walhati ang dala.
VERSE 2
Ang Panginoon sa Siyon Naghaharing ganap, Lalim ng lupa at dagat Siya ang may hawak; Ngalan N'ya'y parangalan, Bandila'y itaas, Hanggang malalayong pulo Sa Kanya'y maligtas.
VERSE 3
Ang Panginoon sa Siyon Ay naghahari ngayon; Pasukin ang Kanyang templo't Galak na magtipon; Sa lalim ng bandila N'ya, Lahat ay paampon, Sa Hari ng lupa't langit, Igawad ang putong.