Logo
Hymn #400Work and Duty

Tayo ay Pinag-atasan

VERSE 1

Tayo ay pinag-atasang Mag-ayos at tumingin Sa Diyos na maraming ilaw Upang h'wag mangulimlim.

KORO

Pagningasin ang ilawan Sa dilim ay itanglaw. Doon ay may naliligaw, Iligtas na agapan.

VERSE 2

Sa lupa ay nakalatag, Dilim ng kasalanan. Marami ang humahanap Sa liwanag ng ilaw.

VERSE 3

Pagbutihin ang ilawan 'Pagkat may nangabagbag. Kung di sila tatanglawan, Malulunod na lahat.