Logo
Hymn #404Obedience

Lakad sa Liwanag ng Salita ng Diyos

VERSE 1

Lakad sa liwanag ng salita ng Diyos, Nang ang pala ay kamting lubos; Kung lalakad tayong ganap sa pag-sunod Tatahan sa atin si Jesus.

KORO

Magtapat ka, pagka't walang iba Na daan sa ligaya kundi pagtalima.

VERSE 2

Walang hirap, lungkot, dalamhati't lumbay, Kung tatalima't di susuway; Ang dilim na sapot sa iyo'y wawalay Kung susundin S'ya nang lubusan.

VERSE 3

Ang bigat ng pasan, dalamhating taglay, Lahat ay Kanyang papawiin, Walang masasayang na hibik at pagod, Kung magtitiwala sa Kanya,

VERSE 4

Ang Kanyang pag-ibig di masusukatan, Balong ng awa'y laging laan; Ang bawa't maibig ay iyong kakamtan Kung tapat na susunod lamang.

VERSE 5

Kung ganap at wagas ang pagtatalaga Mga puso natin sa Kanya, Ating malalasap ang pag-ibig Niya Sa tapat ay ipamana.