Logo

Isa Ngang Pusong Malinis

VERSE 1

Isa ngang pusong malinis, Ang sa Panginoo'y nais Napakamtan, nang mabihis Sa salang kahapishapis.

KORO

Hugasan Mo ako, Jesus, Ng dugo Mo nanabuhos Dalisayin akong lubos Sa apoy nang di masupok!

VERSE 2

Kung hinagap ay makita, Kaluluwa'y liligaya; Mapagalak ako t'wina, Pusong dalisay angkin pa.

VERSE 3

Pusong ito'y kung matanggap Mag-uulol ang hinagap, Sa buhay laging pangarap Ang biyayang malalasap.

VERSE 4

Umilag, saka magpigil, Mag-ingat, tuloy bakahin Daloy ng masamang hiling Ng mahinang puso natin.