Logo

Ama, sa Iyo ay Ilapit

VERSE 1

Ama, sa Iyo ay ilapit, Ako'y nasasabik; Yakapin ako nang mahigpit, Upang matahimik.

KORO

Ako'y Iyong ilapit, D'yan sa Iyo sa langit; Ilapit mo ako sa Iyo.

VERSE 2

Ama, sa Iyo ay ilapit, At h'wag Mong tulutan, Na ako ay maglagalag pa't Ikaw'y aking iwan.

VERSE 3

Ako'y buhayi't pakinisin At hugasang tunay, Hanggang ako'y maging tulad Mong Malinis, dalisay.