Tagapagmana
VERSE 1
Tagapagmana, bakit nahihimbing? Pinagpalang bahay ay tanawin; Baluti'y isuot at magtumulin. Baka tahanan mo'y di sapitin.
VERSE 2
Tagapagmana, bakit tumitgil Sa pagtakbo mo tungo sa langit; Magtapat ka Jesus ay darating na. Magmadaling salubungin Siya.
VERSE 3
Mga bansa'y gulo't nag-aaway, Bakla, takot, at nanlulupaypay. Dinggin ang ugong at di magkamayaw. Kaya't magdagling mana'y agapan.
VERSE 4
Huwag mag-abala sa lupang alay. Pagka't iya'y pawang pumapanaw; Ang kaharian ang nasaing kamtan. At ang layaw dito ay talikdan.
VERSE 5
Ulo'y itaas, sa langit tumingin, Masdan ang maluwalhating ningning. Ng liwanag ng Haring dumarating. Tagapagmana, 'yong salubungin.