Mga Tanda Sa Daan ay Masdan
VERSE 1
Mga tanda sa daan ay masdan, Sa paglalakbay nalalampasan; Apat na kaharia'y nagdaan Kinatatayuan nati'y saan?
KORO
Ang mga malahulang tanda ay masdan, Apat na kaharia'y nagdaan. Halos tapos na ang ating paglalakbay; Mga tanda'y masdan.
VERSE 2
Ang Asirya ang unang naghari, Saka Medo-Pers'yang mapanggapi; At nang matapos Gresyang l'walhati, Roma ang sa setro ay nag-mithi.
VERSE 3
Sa mga paang putik at bakal, Marupok, mahina't di-tatagal; Anong kasunod na matatanghal? Ang pagdating ni Cristo kong mahal.