Logo
Hymn #416Watchfulness

Mangagpuyat mga Banal

VERSE 1

Mangagpuyat, mga banal, Pagbutihin ang ilawan; Magsihanda at maghintay. Sa Panginoong pagdatal.

KORO

Si Jesus, dumarating. Nang buong dilag at ningning; Tayo na at salubungin. Ang maghahari sa 'tin.

VERSE 2

Sa Panginoong pangako. Nilabhang damit sa dugo, Putong at sa salang inako. Narito't hiling mo'y tagpo.

VERSE 3

Mga bansa'y nagigimbal, Digmaan at kaguluhan. Paghihirap ay laganap, Naghahayag na ng wakas.

VERSE 4

Samantalang naririnig. Ang sa ikapitong tinig; Ibalita mong masugid. Biyayang laang panlinis.

VERSE 5

Hanggang may pagkakataon. Kay Jesus kayo'y patulong; May darating na panahon. Na di Siya magtatanggol.