Tinig Ko ay May Pagpanaw
VERSE 1
Tinig ko ay may pagpanaw, Di muling mapapakinggan, Kundi pagbangon sa hukay Pagpuri sa Haring mahal.
KORO
Makikita ko ang mukha Ni Jesus na nagdalita; Magpuri nang buong tuwa Ang niligtas ng biyaya.
VERSE 2
Balang araw ay lalagpak Tahanan kong dito'y ingat, Nguni't di alam ang oras Kaya't ihanda ang lahat.
VERSE 3
Sa kapanahunan ngayon Magpuyat sa nagsalubong Ilaw at langis na baon Ingata't nang makatuloy.