Logo

Oh! Krist'yanong Kawal Hayo sa Laban

VERSE 1

Oh! Krist'yanong kawal hayo sa laban, Si Jesus ang nangunguna sa daan At umaalalay sa kahirapan, Nang tayo'y magdiwang sa sanlibutan!

KORO

O! Krist'yanong kawal hayo sa laban, Krus ni Jesus ang ating sinusundan.

VERSE 2

Siya ay ihayag at nang tumakas Ang bumabagabag na si Satanas; Tulinan ang lakad, dalhin ang hirap Nang ating malasap, bihis na galak!

VERSE 3

Ang kay Cristong kawal hukbong kalakhan Ay nangapipisang lakip ang tibay; Sa pakikilaban at nang magdiwang, Nang pagtagumpayan madlang kaaway!

VERSE 4

Sulong Kanyang bayan at makipisan Sa pag-aawitan ng pagdiriwang; Kay Jesus ibigay ang kapurihan, Atin S'yang awitan magpa-kaylanman!