Logo

Sulong Sa Laban

VERSE 1

Sulong sa laban, kabaka'y masdan, Watawat ng Diyos itanghal, Buong sandata'y pakaingatan, Umasang ang Diyos ang kaakbay.

KORO

Sulong, kawal, bandila'y itanghal Patuloy sa pakikilaban; Sulong! sulong! at ipagsigawang Si Kristo ang ating Kapitan.

VERSE 2

Lupigin agad likong pangwasak, Katotohana'y ihayag; Bawa't kalasag gamiting tapat Nang h'wag manaig si Satanas.

VERSE 3

Diyos na dakila, tulungan nawa, Kami ng Iyong biyaya; Sa pagdirigma't nang h'wag mawala Putong na Iyong inihanda.