Tayo Ngayo'y Nabubuhay
VERSE 1
Tayo ngayo'y nabubuhay Sa panahong maselang. Kaya nga ang kailangan Mag-ingat araw-araw, Masda't palagi na lamang Ang mga kaguluhan. At itong buong nilalang Lagi sa panambitan.
VERSE 2
Upang kayo'y makatagal Sa masamang araw. Ang baluti ng katwiran Isakbat nang b'ong tibay, Ibigkis sa inyong baywang Mga katotohanan. Sa paa'y kapayapaan At ang tabak sa kamay.
VERSE 3
Ang hukbo ng kasamaan, Mahigpit na kaaway, Ay nangagpipisan-pisan Sa malaking digmaan, Ang kanilang kalakasan Tinitipong mainam; Kaya nga't sa tunggalian Ikaw nama'y lumaan.
VERSE 4
Manindigan ka Krist'yano, Sundin ang Kapitan mo; Hanggang Kanyang ipahayag Mabuti kang lingkod N'ya. S'ya lamang na magtatapat Naghihintay ng wakas; Ang tatanggap ng Pangako Buhay na walang hanggan.