Logo
Hymn #044Love of God

Ang Panginoon Ko'y May Damit

VERSE 1

Ang Panginoon ko'y may damit, Mabango, marikit! Ang samyo'y nasok sa 'king dibdib, At di na maalis!

KORO

Iniwan ang palasyong garing. Sa lupa'y nanaog, Pag-ibig Niya sa akin... Ang siyang nag-udyok.

VERSE 2

Ang buhay Niya'y nababalot, Ng luha't himutok, Kung magunita ang Kanyang krus, Luha ko'y nanagos!

VERSE 3

Sa Damit Niya, ang humawak, Gumagaling agad! Kung ako sa sala'y madulas, Hinahangong kagyat!

VERSE 4

S'ya'y darating na nararamtan, Ng kal'walhatian. At doon sa Kanyang tahanan, Ako'y ipipisan.