Logo
Hymn #440Pilgrimage

Huwag Kang Padaig sa mga Tukso

VERSE 1

Huwag kang padaig sa mga tukso Maging uliran ka sa ibang tao; Ang pakikilaban ay tapangan mo, At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

KORO

Humingi kay Jesus ng tulong, lakas at aliw Papatnugutan ka at pananagumpayin!

VERSE 2

Sa mga masama'y h'wag kang mabuyo, At ang ngalan ng Diyos ay igalang mo, Maging masikap ka't h'wag mabalino, At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.

VERSE 3

Ang mananagumpay ay magtatamo Ng koronang hindi na maaano; Sa Diyos tumawag ka at pasaklolo, At tutulungan ka ni Jesu-Cristo.