Logo
Hymn #444Stewardship

Nais Mong Pala'y Kamtin Mo

VERSE 1

Nais mong pala'y kamtin mo? ikaw'y magbigay! Nais mong umunlad tayo? ikaw'y magbigay! Lahad ang iyong kamay at ang puso mo'y buksan, Sumunod ka sa aral, ikaw'y magbigay!

VERSE 2

Buong puso't kagalakang ikaw'y magbigay! Nang ikaw'y tumanggap naman ngayo'y magbigay! May munti ka bang yaman? ibigay mo rin iyan, Ikaw ay gagantihan kung magbibigay!

VERSE 3

Magbigay sa pagkakalat ng santong aklat, At nang makapagpasikat sa pusong salat! Ibig mo bang yumaman kung dumating ang araw? Kung gayon, ngayon nama'y ikaw'y magbigay!