Sa Akin ay Mayro'ng Nagtitiwala
VERSE 1
Sa akin ay mayro'ng nagtitiwala, Kaya't magtatapat akong kusa; Marami ang pagtitiisang lubha At maraming dapat isagawa, Kaya't magtitibay akong sadya.
VERSE 2
Lahat aking magiging kaibigan At ako'y magiging mapagbigay; Yamang ako ay mayro'ng kahinaan, Magpapakumbaba akong tunay; At sa langit ako ay tatanaw.
VERSE 3
Araw-araw, aking pag-aaralan Mga liks'yong Ama ang nagbigay; Ang bulong N'ya'y agad kong pakikinggan, At gagawin kong may kagalakan Ang mga bagay na napakinggan.