Kung May Pag-ibig
VERSE 1
Maganda ang paligid, kung may pag-ibig, Masaya bawat ingay, kung may pag-ibig, Kapayapaa'y taglay may ngiti ng tagumpay; Panaho'y lumilipas kung may pag-ibig.
KORO
Pag-ibig, pag-ibig; Ang tahana'y payapa; Kung may pag-ibig.
VERSE 2
Langit ay nakatunghay, kung may pag-ibig; Mundo ay laging tunay, kung may pag-ibig, Batis ay lumilinaw pagpapala ang taglay; May ngiti ang Pangino'n kung may pag-ibig.
VERSE 3
Ako ay pagpalain, Pangino'n giliw; Magtitiwalang lubos kung may pag-ibig, Ako'y iyong ingatan h'wag akong pabayaan; Sa biyaya mong taglay kung may pag-ibig.