Logo
Hymn #450Marriage

Sakdal na Pag-ibig

VERSE 1

Sakdal na Pag-ibig, na di malirip, Sa trono Mo kami'y humihibik, Upang pag-ibig nila'y walang patid, Na kailanman sa 'Yo'y ilalakip.

VERSE 2

Sakdal na Buhay, kapanatagan Ka, Ng pananampalataya nila, Ng mat'yagang pag-asa't pagbabata, Na may tiwalang di nangangamba.

VERSE 3

Sila'y bigyan ng kagalakang tunay; Sila'y bigyan ng kapayapaan, Idagdag ang luwalhati sa buhay Na sumisikat sa pagmamahal.