Logo
Hymn #452Funeral

Di na Lubhang Magtatagal

VERSE 1

Di na lubhang magtatagal Ang lahat ng kahulugan Ng pagluha't kalumbayan Ay atin nang malalaman.

KORO

Kaya nga't sa Panginoon Magtapat nang buong tapang, Daan ma'y madilim ngayon, Bukas, maliliwanagan.

VERSE 2

Ang gawa nating natigil Doo'y ating tatapusin, Lahat ng hiwaga sa 'tin Doon ay ipalilining.

VERSE 3

Kung bakit ang kadiliman Sa liwanag humahalang, At ang tuwa'y pumapanaw, Doon ating malalaman.

VERSE 4

Kung bakit ang ating nais Malimit na ipagkait At ayaw na ipakamit Doon ating mababatid.

VERSE 5

Alam ng Diyos ating daan; Tiyak ang Kanyang patnubay, Bawat luhang naranasan Doon ating malalaman.