Parito, Kayo Bayan
VERSE 1
Parito, kayo bayan, pag-aani'y awitin! Lahat ay natipon na, bago bagyo'y dumating; Diyos ang s'yang nagbibigay ng kailangan natin; Sa templo'y parito na, pag-aani'y awitin!
VERSE 2
Bukiran tayo ng Diyos, na dapat ay magbunga; Trigo't pansirang-damo'y naipunlang magkasama; Tumubo at nagsupling sa lungkot o ligaya; Kami, Oh Panginoon, gawing mabuting bunga.
VERSE 3
Sapagka't ang ating Diyos sa lupa ay daratal, At yaong Kanyang ani'y dadalhin sa tahanan; Mga pansirang-damo'y sa apoy sisilaban, Ang mabubuting bunga'y sa Kanyang bangan naman.
VERSE 4
Iglesyang matagumpay, pag-aani'y awitin! Lungkot at kasalanan sa wakas natapos din; Doon sa bangan ng Diyos, ligaya ay kakamtin; Malilinis nang lubos, mga anghel kapiling.