Logo

Sa Harapan ng Luklukan

VERSE 1

Sa harapan ng luklukan, Ni Jehobang Manlalalang, Magsiyukod, mga bayan, Siya ay Diyos, Siya lamang.

VERSE 2

Sa kanyang kapangyarihan, Putik tayong inanyuan; Nang sa daan ay maligaw, Ibinalik N'ya sa kawan.

VERSE 3

Ang pintuan doon sa langit, Lilipusin ng pag-awit; Itong lupa na nawaglit, Magpupuring may pag-ibig.

VERSE 4

Kasinlawak nitong mundo, Utos ng Diyos na totoo; Sintibay ng isang bato, Katotohanan ni Kristo.