Logo

Hari'y Sambahin

VERSE 1

Hari'y sambahin, O buong langit Inyong awitin Kanyang pag-ibig Matanda sa araw, ating sanggalang Maningning at lipos ng kapurihan.

VERSE 2

Ang lakas Niya'y inyong saysayin Kanyang biyaya'y inyong awitin Balabal Niya ay kaliwanagan Ang pabilyon Niya ay kalawakan.

VERSE 3

Ano ang maglalahad na dila Ng pangangalaga Mong sagana? Ito'y nasa hangi't nasa liwanag Nasa hamog, ulan, burol, lupang patag.

VERSE 4

Sa Iyo'y ipinagtitiwala Ang alabok, mahihinang bata Magiliw, matibay, 'Yong kaawaan! Aming Manunubos, Sanggalang, Kaibigan!