Logo

Tayo'y Nagtitipon

VERSE 1

Tayo'y nagtitipon upang ating hingin Pagpapala ng Panginoon natin; Masama'y hindi na humahapis sa 'tin Papuri sa Pangalan Niya'y awitin.

VERSE 2

Ang ating Diyos tayo'y pinapatnubayan, Pinatatatag N'ya ang kaharian; Kaya nagwawagi sa pakikipaglaban Ikaw, O Panginoon ay kaakbay.

VERSE 3

Lahat kami, sa 'Yo Jesus, nagpupuri Nawa'y maging Sanggalang Kang parati. H'wag Mong tulutang bayan Mo'y maduhagi Ngalan Mo'y purihin! Palayain kami.