Logo
Hymn #060Birth

May Awit sa Hangin

VERSE 1

May awit sa hangin! may tala sa langit! Ina'y may dalangin at may batang hibik! Tala'y suminag habang may umaawit. Pagka't pasabsaba'y may Haring marikit!

VERSE 2

May dakilang galak sa pagkapanganak. Sa sanggol ng birhen, na hari ng lahat. Sa saliw ng awit ang tala'y suminag. Pagka't pasabsaban ay may Haring liyag!

VERSE 3

Panaho'y gumanda sa sinag ng tala. At ang awit na 'yon natanyag sa lupa. Bawa't dapugan ay nag-alab sa tuwa. Si Jesus ay Hari! S'yang awit ng bansa.

VERSE 4

Tayo'y natutuwa't awit inuulit. Na narinig noon na mula sa langit. Tayo'y nagdiriwang sa balitang sulit. At ating binabati Haring marikit!