Galak sa B'ong Sanlibutan
VERSE 1
Galak sa b'ong sanlibutan ang Hari'y dumatal! Langit, lupa, at kinapal, Kayo'y mag-awitan. Kayo'y mag-awitan, Kayo, kayo'y mag-awitan!
VERSE 2
Galak sa sangkatauhan na paghaharian! Siya'y ating papurihan; Tayo'y mag-awitan. Tayo'y mag-awitan, Tayo, tayo'y mag-awitan!
VERSE 3
Kanyang pupunasing tunay mga kasalanan. Ng Kanyang mga lalang, Lahat ng nilalang. Lahat ng nilalang, Lahat, lahat ng nilalang.
VERSE 4
Kaniyang paghaharian itong sanlibutan. Ng pag-ibig at biyayang, Kakamtan ng bayan. Kakamtan ng bayan, Kakamtan, kakamtan ng bayan.