Logo
Hymn #066Birth

Hatinggabi Nang Marinig

VERSE 1

Hating gabi nang marinig, mal'walhating awit. Ng mga anghel sa langit, alpa'y kinakalbit "Sa lupa'y kapayapaan, balitang langit;" Upang pakinggan ang awit, lupa'y nanahimik.

VERSE 2

Patuloy ang mga anghel sa pagdaratingan. Himig nila'y lumulutang sa bu'ng sanlibutan. Sila'y nagsalisalimbay do'n sa kapatagan. Sa Babel na alingawngaw anghel nag-awitan.

VERSE 3

At kayong nangakahukot sa bigat ng buhay. Na sa pasalungang daan gumagawang tunay. Masdan! Ngayo'y dumating na oras ng kat'waan. Sa daa'y magpahingalay, dinggin ang awitan.