Logo
Hymn #070Birth

O Munting Bayang Bethlehem

VERSE 1

O munting bayang Bethlehem, Tahimik kang tunay! Mga bituin sa langit Mo'y nangaglalakbay Walang hanggang liwanag Sa daa'y sumilay Mga pag-asa't pangamba Ngayo'y nagkaugnay.

VERSE 2

Si Kristo ay sumilang Habang nagbabantay Ang mga anghel sa langit Nang bu'ng pagmamahal. Itanyag, mga tala, Banal na pagsilang! Sa tao'y kapayapaan, Ang Diyos papurihan.

VERSE 3

Kahanga-hangang kaloob Payapang nabigay! Kaya pagpapala ng Diyos Sa 'ti'y inialay. Yaong Kayang pagdating Di man napakinggan May mga taong sa Kanya Ay tatanggap naman.

VERSE 4

Banal na Sanggol ng Belen, Ikaw'y sumasaamin Sala naming ay pawiin At kami'y sa kupin. Aming napapakinggan Balita ng anghel Oh, Manahan Ka sa amin, Aming Emmanuel!