Logo
Hymn #072Birth

Tahimik ang Gabi

VERSE 1

Tahimik ang gabi, Payapa ang lahat. Naro'n ang inang birhe't Anak! Banal na Sanggol ng pagliyag. Matulog nang panatag, Matulog nang panatag.

VERSE 2

Tahimik ang gabi, Liwanag nang lahat. Mga anghel ay nagpahayag. Sa mga pastol na nagalak "Aleluya sa Hari! Sa kay Kristong marilag."

VERSE 3

Tahimik ang gabi, Diyos Anak, namalas. Sa mukha Mo ay sumisinag. Ningning ng biyayang namitak. Nang sumilang Ka, Jesus, Sa sang-maliwanag.

VERSE 4

Tahimik ang gabi, Tala ay sumikat. Tayo'y magsi-awit na lahat. Mga anghel saliwang ganap. Sumilang na sa hirap, Kristong Tagapagligtas.