Logo

May Nagkusang Nag-alay

VERSE 1

May nagkusang nag-alay ng buhay Niya. Nang ang gaya ko ay maligtas. At ang hirap sa krus timtimang binata. Nang sa sala ako'y mahugas.

KORO

Nangapako sa krus sala kong naimpok. Kusang-loob Niyang dinala! Pag-ibig ni Jesus nahayag na lubos. Sa pag-ako Niya sa sala!

VERSE 2

Siya ay matiyaga at matiisin. Nang ako'y nililinis Niya. Lahat ng sala ko'y sa krus ibinitin. Kaya't ako nama'y ligtas na.

VERSE 3

Si Jesus ay hindi ko hihiwalayan. Sa paglakad ko'y mamamalas. May awit ang pusong sa bibig taglay. Na ang sala ko ay nahugas.