Ang Panginoo'y Nanaog sa Lupa
VERSE 1
Ang Panginoo'y nanaog sa lupa, Taglay ang sugo ng awa, Subali't Siya'y inamis, inaba, At inapi at kinutya.
KORO
Pinahirapan, hinampas inuyam, Pinakuan sa paa't kamay, Nguni't ang masaklap, mahapdi sa lahat, Ay ang nasa pusong sugat.
VERSE 2
Kanyang hinanap ang sariling Kanyang, Nangaliligaw na tupa, Nguni't ang tawag at anyaya Niya, Di nila inalumana.
VERSE 3
Ibo'y may pugad, zora ay may lungga, Ngunit S'ya'y walang tahanan, Batong maliit ang naging unan N'ya, Tunay niyang pahingahan.
VERSE 4
Siya ay hindi ko maitatakwil, Puso ko'y di makaamin, Dudulog ako't sa Kanya'y hihingin, Ang sala ko'y patawarin.
HULING KORO
Dadalhin ang krus at ako'y susunod, Sa tinuntong daan ni Jesus, At ang paglilingkod ng puso ko't loob, Aking gagawin nang lubos.