Pag-ibig ng Diyos
VERSE 1
Pag-ibig ng Diyos ay higit Sa lahat ng pag-ibig, Ang kagalakan ng langit, Naparito't nagsakit; Jesus, Ikaw'y maawain, Ikaw ay maibigin; Taglay ang pagliligtas Mong Kami'y Iyong dalawin.
VERSE 2
Hingahan Mo bawa't dibdib Nalipos ng ligalig Ng Espiritu Mong ibig! Nang kami'y matahimik; Hilig sa pagkakasala Ay pawiing lahat na; At sa amin Ikaw sana, Maging Alpa't Omega.
VERSE 3
Ang Iyong biyaya, O Diyos, Ipatanggap mo sa 'min; Biglang magbalik at mga Templo'y h'wag nang lisanin. Ikaw ay paglilingkurang Gaya ng hukbo sa langit, Dadalangina't pupurihin Ang sakdal Mong pag-ibig.
VERSE 4
Lubusin Mo nga sa amin Ang muli Mong paglikha; Gawin Mo kaming malinis, At dungis ay mawala; Sa amin ay ipamalas Ang Iyong pagliligtas, Sa Iyo kami'y iharap Sa langit ng pagliyag.