May Ulan ng Pagpapala
VERSE 1
"May ulan ng pagpapala;" Ito'y pangako ng Diyos; May panahon ng ginhawa, Buhat sa Manunubos.
KORO
Ulan ng pala, Na ating kailangan; Pumapatak na ang awa, Nguni't ang hingi'y ulan.
VERSE 2
"May ulan ng pagpapala"-- Mahalagang buhayin; Sa burol at kapatagan, May ulang masisinsin.
VERSE 3
"May ulan ng pagpapala;" Ibuhos na sa amin; Kami'y bigyan Mong ginhawa; Salita Mo'y tuparin.
VERSE 4
"May ulan ng pagpapala;" Sana ngayo'y bumuhos, Ngayong nagtatapat sa Diyos At nanawag kay Jesus.