Logo

Saysayin Mo sa Akin

VERSE 1

Saysayin mo sa akin ang kay Kristong buhay. Saysayin ang pag-ibig N'yang walang kapantay, Saysayin mong marahan, saysaying malinaw. Ngayong ako'y mahina at makasalanan.

KORO

Saysayin mo sa akin. Muli't muling ulitin, Ang malaking pagtingin. At Kanyang pag-giliw.

VERSE 2

Saysaying mong marahan upang maunawa. Ang Kanyang pagliligtas at malaking awa, Saysayin nang nalimit at sa 'ki'y ihayag. Sa lahat ng sandali ng aking bagabag.

VERSE 3

Saysayin mo sa akin kung ang akala mo. Ako'y ibig tangain ng hibo ng mundo, At kung nalalapit na ang luwalhati Mo, Muling sabihin sa 'kin: "Ligtas ka kay Kristo."