Panginoon, Iyong Dinggin
VERSE 1
Panginoon, Iyong dinggin, Ang aking dalangin, Sa umagang ito'y hain, Ang puso kong angkin.
VERSE 2
Panginoong Jesu Cristo, Ako'y pakinggan Mo. Ipahayag sa Diyos Ama Ang bawat hiling ko.
VERSE 3
Mangyaring ako'y samahan, Espiritung banal, Nang upang sa kabanalan, Lumaging mabuhay.
VERSE 4
Ang magpuri sa 'Yong ngalan, Ay ang makakamtan. Lubos na pagsasanggalang, Sa kapahamakan.