Napakasaya't Kay-inam
VERSE 1
Napakasaya't kay-inam Sa Panginoong tahanan, Na pinaglulunggatian Ng kalul'wang kalagayan.
VERSE 2
Kaypalad ng kaluluwa Na sa Iyo'y makakita, Sa templong lubhang masaya Biyaya'y matatamasa.
VERSE 3
Mapalad ang humahanap Sa pinto ng iyong dilag. Diyos ang tulong at kalasag Habang daan sa paglakad.
VERSE 4
Nagagalak na maglakbay Patungo sa bayang banal Hanggang lahat ay magtipon Sa pagsamba sa ngalan N'ya.