Logo
Hymn #269Sabbath

Maluwalhating Araw

VERSE 1

Maluwalhating araw, Tanging kagalang-galang, Ipinagpahingalay Ng Diyos nating lumalang!

VERSE 2

Araw na binasbasan At pinapaging banal; Kung ito nga'y igalang Tayo'y mangabubuhay.

VERSE 3

Araw na lubhang banal Pagpuri sa lumalang, Samabahi't dalanginan Ang nagbigay ng buhay.

VERSE 4

Batiin na may galak Araw ng kabanalan. Pagpapala ang taglay Sa puso'y may paggalang.