Sanlinggo na Nama'y Nanaw
VERSE 1
Sanlinggo na nama'y nanaw, Ang Sabado ay dumating; Kaluluwa, salubungin Itong pinagpalang araw.
VERSE 2
Parito't iyong purihin Ang Panginoong nagbigay Nitong binasbasang araw Na tinanging ipangilin.
VERSE 3
Ang pagpupuri'y awitin Sa Panginoong maykapal, Araw na kapahingahan Sa kay Cristo ay tanggapin.
VERSE 4
Ang Sabado'y siyang tunay, Dapat nating ipangilin, Talagang inihabilin Sa iglesia na ingatan.